LGU-Alabel, kaisa sa Education for All ng UN

           

SMILE.
GRATEFUL. Students celebrated their triumph as local government promised a free education.

“Ang edukasyon ay hindi pribilehiyo kundi isang karapatan.”

        Ito ang paniniwala ng administrasyong MaNoy kung kaya’t kaisa ito sa programang Education for All ng United Nations (UN) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Zero Collection Policy sa buong munisipyo na ngayo’y nasa pangalawang taon na.

     Alinsunod sa Memorandum of Agreement na naipasa noong Oktubre, 12, 2016, paglalaanan ng P200 na subsidiya ang bawat mag-aaral na nagpatala sa anumang pampublikong paaralan sa Alabel. Hindi man direktang ibibigay, mapupunta ang nasabing badyet sa lahat ng aktibidad at kaganapang may kaugnayan sa edukasyon. Napapaloob din sa napagkasunduan ang pagsuporta sa mga kawani ng Parents and Teachers Association (PTA) at pagpapanatili nitong aktibo bagamat nawalan ito ng tunguhin dahil sa regulasyon.

           Ayon kay Mayor Vic Paul Salarda, isusulong niya sa susunod na taon ang karagdagang alokasyon upang mas mapalawig pa ang programang “Serbisyong Smile” na ipapatupad niya hanggang sa nalalabing dalawang taon niya sa panunungkulan. “No Collection! But the schools are really in need of your donations,” panawagan pa ni Vice Mayor Ronnel Espanol sa pribadong mga sektor sa General PTA Assembly ng Alabel National High School (ANHS) noong June 30.

        Hangad ng bagong sistemang ito na matugunan ang lumalalang pagdami ng Out of School Youth (OSY) at para mabigyan ng karagdagang suporta ang mga magulang at mga mag-aaral sa pagkamit ng libre at de kalidad na edukasyon. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: