Gilas ng STEM Archers, namukod-tangi

Untitled29

       “Sumigla, sumaya sa kulturang binago ngunit hindi niluma ng panahon.”

      Taglay ang mantra na “Filipino: Wikang Mapagbago,” namayagpag sa larangan ng pag-indak ang 20 mag-aaral ng Baitang 11- Sagittarius o STEM Archers matapos nilang mapagtagumpayan ang kampeonato sa Modernong Etnikong Sayaw sa Himnasyo-Alabel noong Setyembre 15.

     Sa mahigit kumulang 1,000 manonood, umangat ang limang-minutong sayaw ng grupo tangan ang konseptong, “Ebolusyon ng Katutubong Sayaw.” Nakapagtala sila ng kabuuang 95 na puntos dahilan upang ungusan ang Baitang 12 na nasa pangalawang puwesto sa iskor na 88 at Baitang 9 na may 85 puntos na nagtapos sa tanso sa kanilang “Modified Moslem Dance.” Nasa pang-apat, panlima at panghuling puwesto naman ang Baitang 10, 8 at 7.

      Ang kompetisyong ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ng Alabel National High School na kinapalooban din ng iba pang patimpalak tulad ng Pagguhit ng Poster, Paggawa ng Slogan, Pagsulat ng Tula, Isahang Pag-awit, Paglikha ng Modernong Filipiniana, Sabayang Pagbigkas at ang pinkaaabangang Mutya at Lakan ng Wika.

       “Ang pagsama ng komite sa Modernong Etnikong Sayaw sa tradisyonal na hanay ng ating mga akibidad ay maituturing kong ‘missing link’ sa buong-buwang pagdiriwang sapagkat napapahalagahan dito ang ating kultura kasabay ang makabagong pamamaraan na swak sa interes ng mga kabataan,” paliwanag pa ni Gng. Arlie Bello, tagapayo ng Diwa ng Kabataan Club.

Advertisements

3 thoughts on “Gilas ng STEM Archers, namukod-tangi

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: