Kampus Diurn

          Ako. Ay. Isang. Manunulat.

         Ang pagiging isang manunulat ay parang isang paglalakbay. Kailangan nating ihanda ang ating mga sarili sa pagtaas at pagbaba, pagpihit at pagpiga sapagkat ang pagiging manunulat ay ang mismong paglalakbay. Dapat nating akyatin ang bundok ng mga patimpalak, languyin ang dagat ng mga komperensya at harapin ang halimaw na tinatawag na “Article Deadlines” kasama ang panghabang-buhay nating kasangga: ang panulat at papel. ‘Di naman kumpleto ang iyong biyahe pag hindi ka pa nakasusuong sa madilim at walang tulog na mga gabi tangan ang ideya na kailangang bigyang-lugod si Ma’am at Sir sa pamamagitan ng ating mga sariling katha.

           Minsan, ipinapadala tayo sa iba’t ibang lugar upang kumpletuhin ang ating misyon – ang Pahayagang Pangkampus. Ang mga utos ni Sir at pakiusap ni Ma’am mula dito hanggang doon ay totoong nakakapagod ngunit isinasawalang bahala na lamang ito sapagkat may pakain naman sila. Palagi nilang ipinapalabas ang ating mga kuro-kuro sa ating mga utak sa puntong wala ng natira, ngunit balewala nga lamang ito sapagkat nagpapakain naman sila (Salamat po Ma’am at Sir). Hindi  na rin bago sa ating iiwas ang sarili mula sa mala-empyernong aralin sa Sipnayan at lumiban sa klase ng halos isang buwan upang tuparin ang ating mga pangako at dinggin ang tawag ng pahayagan.

       Kapag kailangan naman ng detalye’t impormasyon, ‘di mawawala ang aming pasaporte sa aming sa aming kanlungan, ang Computer Laboratory. Sa oras na ipatawag si Sir dahil sa siya’y may transaksyon, abot- tenga ang saya dahil magkikita na naman tayo ni Facebook at Youtube. (Shhhh…this is a top secret).

       Mukha mang biro kung iisipin, ang pagiging manunulat ay seryosong gawain. Kailangang alamin ang ating mga tungkulin at patunayan na tayo’y karapatdapat sa tiwala ng ating mga School Paper Advisers. Ang pagsulat, paglakbay, pagtawa, pagkatuto at pagmamahal ay ilan lamang sa mga bagay na masusi nating naranasan, nararanasan at mararanasan. 

            Masasabi kong may kalamangan tayo sa halos bawat bagay. Kung ihahambing, ito ay iilan lamang sa lahat ng mga bagay na ating napagtagumpayan bilang manunulat. Wala na akong maisusulat pa upang maidetalye pa itong lubos, kahit ang mundo ay hindi sapat upang ilathala ang kuwentong pinamagatang “Kampus Diurn.”

IMG_20170625_121341 (2)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: